Opisyal nang nilagdaan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) ang kanilang kasunduan sa DOLE PESO JOBSTART Philippines noong October 25, 2023.
Sa ilalim ng kasunduan na ito, kasama ang Task Us Molino at Chin Su Philippines, magkakaroon ang mga mamamayan na nagnanais magkaroon ng trabaho ng 10-Day Training. Kasama sa mga benepisyo ng programang ito ang Allowance na may katumbas ng 75% ng minimum wage kung saan libre na ang pagkain at transportasyon, libre pa ang life skills at technical support para sa napiling kompanya.
Matapos ang sampung araw ng Immersion Program, ang lahat ng mga participants nito ay diretso nang makakapasok sa trabaho. Isa lamang itong patunay sa pagsusumikap ng Lokal na Pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, na maging instrumento ng pag-angat at pag-unlad para sa kanilang mamamayan.
Higit sa lahat, ito rin ay naging posible sa kooperasyon at pagsusulong ng mga pribadong sektor na kinatawanan nina Ms. Beth Incabo – HR Director, Ms. Lara Delos Reyes – VP for Operation, at Mr. MJ Bilugan – Engagement and Experience Manager mula sa Task Us Molino, kasama si Ms. Rachelle Juico, HR ng Chin Su Philippines, at Dr. Abraham “Bob” De Castro, Head of PESO-Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.