Abril 25, 2024 – Ginanap sa Strike Gymnasium ang pamamahagi ng Financial Assistance, CHED Scholarship, at Libreng Salamin.
Ito ay isang malaking programa na nagpapakita ng malasakit at pagmamahal ng Team Revilla sa bawat Bacooreño.
Naging matagumpay ang programa dahil sa pag o-organisa ng ating Congw. Lani Mercado-Revilla upang maibahagi ang Financial Assistance, CHED Scholar at Libreng Salamin para sa ating mamamayang Bacooreño.
Nasa higit 690 ang nakatanggap ng Financial Assistance distribution, lima para sa CHED Scholar distribution, at isang daang mga Estudyente para sa Libreng Salamin.
Nagpabatid din ng kanilang mga mensahe sa pamamagitan ng video message sina Congw. Lani Mercado-Revilla, Cong. Bryan Revilla, ganoon din si BM Ram Revilla Bautista upang i-representa ang ating Congw. Lani Mercado-Revilla para ipabatid ang kanilang lubos na supporta para sa mga residente ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.