Noong October 26, 2023, nagkaroon ng General Assembly ang Bacoor City Unity Water Vendors, Inc. (BCUWWVI) sa Revilla Hall, para pag-usapan ang mga hakbang na gagawin para maging maayos ang serbisyo ng kanilang samahan.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang mga serbisyong ibinibigay ng BCUWWVI katuwang ang Pamahalaang Lungsod tulad na lang ng Permit Licensing, Health/Sanitary, Laboratories Services, Materials Services, at Local Development.
Dinaluhan nila Ms. Elsie C. Fernandez ( President ), Ms. Yolanda Cabling ( Vice President ), Johanna C. Dayondong ( Sec ), Nouie Rodriguez ( Treas ), Jenny Palmares ( Asst. Treas ), Anita Parales ( Auditor ), Adriano Aldrin Lastrilla ( BOD ), at Femero H. Cayanan ( Admin ), ang pagpupulong kaisa rin ang City Health Office.
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola sa mga samahang nagbibigay rin ng serbisyo sa mga Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.