Kaya naman sa tulong ng City Government of Bacoor at pangunguna ng City Civil Registrar Office na pinamumunuan ni Tess Cameros, nagsagawa ng Mass Baptism sa St. Michael Parish sa Barangay Tabing Dagat upang magkaroon ng oportunidad ang mga bagong sibol na Bacooreñong mabinyagan sa simbahang Katoliko.
Kasama sa pagbabasbas ang ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla na naglahad ng mensahe sa napakahalagang seremoniyang ito na nagbigay ng pagkakataong mapalapit ang mga batang Bacooreño sa Diyos na siyang pag-asa ng kinabuksan ng kani-kanilang mga pamilya. Dumalo rin si Congresswoman Lani Mercado-Revilla na nagpaalala na ang gabay ng Panginoon ang siyang magbibigay-lakas sa bawat isa sa panahon ng pagsubok at idiniin ang kahalagan ng pagsisilbing magandang halimbawa ng mga magulang sa kanilang mga anak. Espesyal ang binyagang ito dahil nagsilbi rin bilang ninong at ninang sina Mayor Strike at Cong. Lani kasama sina Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola at Agimat Partylist Rep. Bryan B. Revilla.