Layunin ng aktibidad nito na bigyang-diin ang mahahalagang family values upang mas maging matibay ang samahan ng bawat isa tungo sa maunlad na pamumuhay.
Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na pinamumunuan ni Ms. Emiliana DR. Ugalde, RSW, matagumpay at masayang naidaos ang aktibidad kasama rin ang mga pinuno ng lokal na pamahalaan. Nagbigay ng mensahe ang mga City Councilors, Hon. Adriel Gawaran (Social Services-Chairperson), Hon. Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at Hon. Mayor Strike B. Revilla na nagsisilbing paalala na katuwang ng bawat mamamayang Bacooreño ang lokal na pamahalaan sa pangangalaga ng kanilang karapatan bilang mga mamamayan ng lungsod at sa pangangalaga ng kapakanan ng kani-kanilang mga pamilya. Kinikilala din ang malasakit ni Hon. 2nd District Congresswoman Lani Mercado-Revilla para sa bawat pamilyang Bacooreño.
Naging masaya rin ang selebrasyon dahil sa mga special performances gaya ng song numbers at magic tricks. Nagkaroon din ng Family Tiktok Competition na pinangunahan ng mga Social Sector Heads ng lungsod kung saan naki-sayaw sina Vice Mayor Mendiola at Councilor Gawaran. May libre ring ice cream at iba pang mga pagkain, at family picture taking pa sa Photo Booth! Tinuruan din ang mga dumalo sa paggawa ng brownies para makatulong din sa kanilang kabuhayan at binigyan din ng mga food packs. Umuwi ang kahat na may ngiti, galak, at natatanging pag-asa sa puso matapos ang event.