Isang espesyal at pormal na pagdiriwang ang naganap bilang advance birthday celebration para kay Konsehal Alde Pagulayan, pinangasiwaan ng Office of the Vice Mayor. Kasama sa mga dumalo ang mga kilalang personalidad at opisyal ng lungsod upang personal na bumati kay Konsehal Pagulayan.
Kabilang sa mga nagsipagdalo ay sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, LNB Vice President Randy Francisco, SK President Palm Angel Buncio, at Atty. Khalid A. Ortega, SP Secretary.
Ang pagdiriwang na ito ay naganap noong ika-6 ng Mayo 2024, at nagdulot ng malasakit at kasiyahan sa puso ni Konsehal Pagulayan para sa paparating na kanyang kaarawan.