Matagumpay na naidaos ang “Dugong Bigay, Serbisyong Walang Kapantay” blood donation drive na naglalayong makapagbigay ng tulong sa mga Bacooreñong may pangangailangang medikal. Maraming salamat sa lahat ng boluntaryong nag-donate ng kanilang mga dugo kasama ang hangaring maging instrumento sa pagsalba ng buhay ng mga kapwa Bacooreño. Kabilang sa mga nag-donate ang ating butihing Mayor Strike B. Revilla na di nagatubiling makibahagi sa makabuluhang aktibidad na ito. Strike sa serbisyong may malasakit sa kalusugan at pagsalba sa buhay ng nakararami. Ito ay sa pangunguna ng ating City Health Office, katuwang ang Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) at Southeast Asian Medical Center (SAMC).