Naganap ang unang pagtitipon ng Senior Citizens Organization Inc. Molino 6 (SCOM 6) sa kanilang 1st General Assembly Meeting. Ang pagtitipon na ito ay inorganisa ng Office of The Senior Citizens Affairs at Barangay Molino 6.
Kabilang sa mga mahalagang personalidad na dumalo sa pagtitipon ay sina Konsehal Rey Palabrica, Konsehal Simplicio Dominquez, Konsehal Obet Advincula, Konsehal Rey Fabian, at Atty. Venus De Castro, ang pinuno ng Senior Citizens Affairs.
Nagpaabot naman ng pagkilala at suporta ang ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla para sa mga Senior Citizens ng Barangay Molino 6.
Kasama rin sa pagtitipon ang Punong Barangay Ronald Javier at ang Konseho ng Barangay Molino 6, kasama ang mga opisyal ng SCOM 6 na pinamumunuan ni President Carlos D. Prado.
Layunin ng pagtitipon na ito ang pagsasagawa ng kanilang unang General Assembly Meeting. Ito ay nagbibigay-daan sa mga miyembro ng SCOM 6 na magkaisa, magbahagi ng mga ideya, at talakayin ang mga isyung may kinalaman sa kanilang organisasyon.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.