Kantahan, sayawan, at kulitan — iyan ang handog ng G na G with Ate Lani FREE Birthday Concert sa libo-libong katao na dumalo sa NOMO Open Parking, noong nakaraang Sabado, April 13, 2024.
Tampok sa nasabing concert ang isa sa pinakasikat na music artist ngayon na si FLOW G at ang bandang ITCHYWORMS na kinabibilangan ni Jugs Jugueta, Jazz Nicolas, Chino Singson, at Kelvin Yu. Personal namang naki-jamming si Congresswoman Lani Mercado Revilla sa mga ito sa kanilang awiting “Akin Ka Na Lang.”
Hindi rin nagpahuli ang mga performers na sina Lizzie Aguinaldo mula sa Star Music at ang homegrown talents ng The Voice Kids of Bacoor, pati na rin ang nakakatawang trio na sina Mandy, Yoshi, at Mae, ng Kafra Comedians.
Lubos namang pinasaya ng selebrasyon na ito ang pagdating ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., kasama ang kanilang mga anak na sina Congressman Jolo Revilla, Board Member Ram Revilla, pati na rin ang kanilang mga apo.