Bumisita ngayong araw ang Black Marlins Athletes Club – Football Team kay Mayor Strike B. Revilla sa Office of the Mayor na pinangungunahan ni Coach Ar-ee Eusebio.
Ang layunin ng pagbisita ay upang magkaroon ng pagkakataon na makilala at makipag-ugnayan ang koponan kay Mayor Strike B. Revilla. Hiningi rin nila ang kanyang suporta at sponsorship para sa nalalapit na Cavite City Football Tournament na gaganapin sa ika-27 ng Abril, 2024. Ang torneo ay isang isang araw na paligsahan na magtatampok ng mga koponan sa ilalim ng kategoryang under 12 at under 14 football tournaments. Kung saan ang Black Marlins Athletes Club – Football Team ay magiging kinatawan ng Lungsod ng Bacoor sa nasabing torneo.
Ang Black Marlins Athletes Club – Football Team ay umalis na puno ng inspirasyon at determinasyon na ipakita ang kanilang galing sa nalalapit na Cavite City Football Tournament. Sa suporta ng lokal na pamahalaan at ng komunidad, asahan natin ang kanilang tagumpay at magandang representasyon para sa Lungsod ng Bacoor.
Mabuhay ang Black Marlins Athletes Club – Football Team! Mabuhay ang Lungsod ng Bacoor!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.
#StrikeAsOne