Matagumpay na naidaos ang Strike-a-Job Fair sa Main Square Mall, Bacoor Boulevard kung saan bumisita si Mayor Strike B. Revilla upang mag-iwan ng mensahe para sa mga Bacooreñong job seekers. Inihayag niya ang pagkakagalak sa dumadaming oportunidad upang magka-trabaho ang bawat Bacooreño tungo sa sama-samang pagbangon mula sa pagsubok ng COVID-19 sa kabuhayan ng bawat mamamayan ng lungsod.
Ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng Public Empolment Service Office (PESO) na pinamumunuan ni Dr. Abraham De Castro. Ilan sa mga jobseekers na nag-apply ay na-hire din on the spot. Strike sa serbisyong nagbibigay hanapbuhay sa bawat Bacooreño!