Sa darating po na October 20, 2023, magkakaroon po tayo ng YULETIDE STRIKE A JOB FAIR mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM sa Mainsquare Mall.
Ito ay handog ng City Government of Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang Bacoor Public Employment Service Office (PESO).
Layunin nitong makapagbigay ng pagkakataon sa mga mamamayan ng Bacoor na makahanap ng trabaho o oportunidad na siguradong makakatulong sa kanilang mga pangangailangan.
Kaya’t hinihikayat po namin ang lahat na makiisa at mag-apply para sa ating sabay-sabay na pag-asenso.
As we Strike as One, Dahil sa Bacoor at Home Ka Dito!