October 18, 2023 – Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla, Cong. Lani Mercado Revilla, BM Ram Revilla Bautista, at ilang City Councilors ng District 1, ang matagumpay na Groundbreaking Ceremony ng bagong ipatatayong Covered Court sa San Rafael Executive Village, Barangay Habay 1.
Kasama ring nakiisa dito si Barangay Captain Roberto “Obet” Castillo at ang kanyang mga opisyales, HOA President Maribel Piramide, at mga mamamayan ng nasabing barangay.
Ang covered court na ito ay inaasahang magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa mga residente na maging bahagi ng isang masigla at aktibong komunidad.