Tila ang puso ko ay puno na naman ng kaligayahan dahil isang Bacooreño na naman po ang nagpamalas ng kanyang husay sa 32nd South East Asia Games noong May 5-17, 2023 at sa 12th ASEAN Paragames noong June 1-9, 2023 sa Phnom Penh Cambodia, kung saan hindi bilang isang manlalaro pero bilang isang Coach.
Dahil alam niyo ba, ang kanyang dalawa grupo na tinuturuan ay parehas nagkamit ng gintong medalya. Maraming Salamat sa iyong oras at malasakit na ibinigay para sa ating bansa.
Tunay na kahanga-hanga ang iyong galing, dahil pinatuyan mo na ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi hadlang sa pagkamit nang iyong mga pangarap.