Ipinagdiwang noong June 14, 2023, ang paglalakbay ng pag-ibig sa kauna-unahang ONLINE MASS WEDDING sa Lungsod ng Bacoor.
Isang daang magkasintahan ang natupad ang pangarap na mapag-isang dibdib na siyang handog ng ating butihing Mayor Strike B. Revilla kasama sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Cong. Lani Mercado Revilla, Cong. Bryan Revilla, Board Member Ram Revilla Bautista, at ng Sangguniang Panlungsod members.
Kaisa rin ang buong tanggapan ng Local Civil Registry Office, City Social Welfare and Development Office, at ang City Information Office sa matagumpay na selebrasyong ito.
Bagamat hindi maayos ang pakiramdam ng ating butihing Mayor, sinigurado niyang hindi niya mapapalampas ang espesyal na araw na ito para sa mga magkakasintahan kaya naman idinaos pa rin ang Kasalang Bayan sa pamamagitan ng Zoom App.
Bilang pagbibigay basbas naman sa mga bagong kasal, naghandog si Cong. Lani Mercado Revilla ng mensahe sa kanila at ng isang awiting nakapagpakilig sa madla.
Sa ngalan ng ating komunidad, maligayang pagbati sa lahat ng mga bagong kasal! 💙
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.