Naganap ang isang makabuluhang aktibidad na naglalayong magbigay ng libreng salamin para sa mga Kabataang Bacooreño. Ang programa na ito ay inorganisa ng Office of Congresswoman Lani Mercado Revilla at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay proyekto ng ating mahal na Kongresista na si Congw. Lani Mercado-Revilla present din sa okasyon ang kinatawan ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola.
Kasama sa aktibidad na ito ang 120 mga benepisyaryo mula sa mga estudyante ng mga pampublikong paaralan sa Bacoor, mula elementarya hanggang junior high school.
Layunin ng programa na ito na magbigay ng libreng salamin na nagkakahalaga ng 2,000 pesos, upang mabigyan ng solusyon ang mga problema sa paningin ng ating mga Kabataang Bacooreño.
Ang aktibidad na ito ay bahagi rin ng mga programa na “Alagang Ate Lani” na isinagawa ni Cong. Lani M. Revilla bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Ito ay patunay ng kanyang pagmamahal at serbisyo sa kanyang mga nasasakupan.
Naganap ang pagbibigay ng mga salamin ngayong ika-18 ng Abril, 2024, sa Revilla Hall. Ipinapakita ng aktibidad na ito ang dedikasyon ng Office of Congresswoman Lani Mercado Revilla at DSWD na magbigay ng tulong at suporta sa mga mamamayan ng Bacoor.
Sama-sama Tulong-tulong
Love My Bacoor