Muling namahagi ng BIGAS sa Barangay Dulong Bayan, ang Team Revilla, mula kay Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Cong. Lani M. Revilla, Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members at Agimat Partylist Cong Bryan Revilla.
Noong April 18, 2024, nasa 948 ang nakatanggap ng bigas sa Barangay Dulong Bayan kung saan pinangunahan ni City Councilor Catherine Evaristo kasama si ABC Vice Pres. Randy Francisco ang pamamahagi ng bigas sa mga benepisyaryo.
Dumalo naman si Ma’am Khei Sanchez na siyang kumatawan kay Mayor Strike B. Revilla na siya ring nag paliwanag sa mga batas at ordinansa na ipinapatupad ng Pamahalaang Lungsod. Nagbigay naman ng mga Video Message sila Mayor Strike B. Revilla, Cong. Lani M. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sen. Bong Revilla.
Isang oryentasyon naman ang pinangunagan ng BDRRMO at BFP para sa Disaster Preparedness and Response.
Nagbigay naman ng suporta ang pamunuan ng Barangay Dulong Bayan sa pangunguna ni Kapitan Jade Emson Palma.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay nagpapasalamat sa butihing Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa pinagkaloob nitong bigas para ipamahagi sa mga Bacooreño.
Patuloy ang pamamahagi ng bigas sa ibat-ibang Barangay sa tulong narin ng City Social Welfare and Development (CSWD).
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!