Nagsagawa ng makabuluhang Flag Raising Ceremony ngayong araw, ika-22 ng Abril, 2024, ang City Environment Services Department (CESD) sa pamumuno ni Mr. Rolando Vocalan, kasama ang City of Bacoor Ministries Associations (CBMA) na pinangunahan naman ni Pastor Sam Baldon.
Layunin ng nasabing programa ang pagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran, na siyang binigyang-diin ni City Councilor Levy Tela sa kanyang pambungad na pananalita. Hindi rin nagpahuli si Secretary Robert E.A Borje, ang Vice Chairman at Executive Director ng Climate Change Commission, na nagbigay ng mahalagang mensahe at paalala sa pamamagitan ng isang Audio-Visual Presentation (AVP).
Nagbahagi rin ng Accomplishment Report ang CESD, na sinundan ng isang masigla at nakakaaliw na intermission number mula sa kanilang grupo. At bilang pagtatapos, naghandog naman ng mensahe si Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola bilang kinatawan ni Mayor Strike B. Revilla.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.