Ang taon-taon na paggunita nito ay pagpapaalala ng kahalagahan sa pag-aalaga at pagmamahal sa Inang Kalikasan.
Ang pandaigdigang tema ngayong taon 2024 ay “Planet vs. Plastics”. Ang layunin nito ay mabigyang atensyon ang tungkol sa patuloy na paglaganap ng isyu ng plastic pollution, at ang masamang epekto nito sa ating kalikasan at sa ating kalusugan.