Nasa kabuuang 395 na mga aplikante mula sa Lungsod ng Bacoor ang dumalo sa matagumpay na Birthday Job Fair ni Congresswoman Lani Mercado Revilla noong April 16, 2024, sa SM City Bacoor.
Sa mga aplikante na ito, 209 ang agad na nakapasa at natanggap sa trabaho mula sa 44 companies na nagpakita ng malawak na saklaw ng oportunidad para sa mga ito.
Buong puso namang nagpahayag ng suporta si Ate Lani sa lahat ng mga dumalo, kasama si City Councilor Alde Pagulayan, Dr. Abraham “Bob” De Castro, at ang mga kinatawan ng SM City Bacoor na sina Mr. Lorenzo Calingasan (AVP Mall Operation) at Ms. Josephine Arvesu (Mall Manager).
Ang nasabing event, na inorganisa ng Bacoor Public Employment Service Office at ng CLMR, ay bahagi ng pagdiriwang sa kaarawan ni Ate Lani, at bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga residente ng Bacoor na makahanap ng trabaho.