Muling pinatunayan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang ating dedikasyon sa kalusugan at kaligtasan ng mga alaga nating aso’t pusa sa Barangay Salinas 1! Sa pakikipagtulungan sa Office of Veterinary Services, naghandog kami ng libreng bakuna sa 252 na aso at pusa. Layunin ng programang ito na mapanatiling ligtas ang ating mga alaga, kasama sa bahay, at mga mahal sa buhay, para sa isang malusog at maayos na pamayanan.
Isang malaking pasasalamat kay Dr. Ella Mae Gandia at sa kanyang opisina para sa kanilang dedikasyon, malasakit at sipag.
Ipagpatuloy nating protektahan at pahalagahan ang ating mga alaga, ang ating lungsod at higit sa lahat ang ating mamamayan.
Dahil dito sa Bacoor, hindi lang kayo ang At Home Dito! Kundi pati ang mga alaga niyo!
Abangan niyo po ang announcement ng mga susunod na schedule ng LIBRENG RABIES VACCINATION PROGRAM dito sa aking FB Page at sa City Government of Bacoorr FB Page. 
Maraming salamat po.