Pinasinayaan noong October 7, 2022 ang Strike sa Serbisyo Women’s Health Center sa Barangay Salinas 2. Nakibahagi sa blessing at inauguration sina Punong Barangay Marvin Sibal, District 2 City Councilor Alde Pagulayan, District 1 City Councilor Victorio “Toto” Guerrero Jr. na dating nagsilbing punong barangay ng Salinas 2, at ang ating butihing Mayor Strike B. Revilla. Saklaw nito ang Barangay Salinas 1-4 at bukas para sa medikal na konsultasyon para sa mga buntis, may bukol sa alinmang bahagi ng katawan, problema sa obaryo, at anumang karamdamang nararanasan ng mga kababaihan. Nagbigay din ng oryentasyon si Dr. Ruby Ephraim M.Rubiano, OIC, Medical Center Chief 1 sa Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) ukol sa mga serbisyong maibibigay ng Women’s Health Center. Strike sa serbisyong nangangalaga sa kalusugan ng mga kababaihan!