Naganap ang blessing at inauguration kaminang umaga, October 8, 2022. Nakibahagi sa aktibidad sina District 2 Councilor Rey Palabrica, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Cong. Lani Mercado-Revilla, at Mayor Strike B. Revilla na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pasilidad na ito upang malaman ang lagay ng kalusugan ng bawat Bacooreño at mabigyan ng karampatang medikal na atensyon. Nagbigay din ng oryentasyon tungkol sa mga serbisyong maibibigay ng diagnostic center at pharmacy si Edwin Miranda ng People’s Pharma. Dumalo rin si District 2 City Councilor Alde Pagulayan, Committee Chairman on Health, at nag-iwan ng mensahe ukol sa patuloy na pagtutok at pagbibigay prayoridad ng pamahalaang lungsod sa kalusugan ng mamamayan ng Bacoor.