Tuloy na tuloy na ang pagkakaroon ng mga satellite offices ng NBI, Philhealth, at PNP sa malapit ng buksan na Strike sa Serbisyo Satellite Office na matatagpuan sa Main Square Mall.
Kanina nga ay opisyal ng nagpirmahan ng kasunduan ang mga kinatawan ng mga nasabing mga ahensiya at si Mayor Strike B. Revilla para sa pagkakaroon ng tanggapan ng mga national agencies na ito sa Main Square Mall, Bacoor Blvd. Barangay Bayanan sa Lungsod ng Bacoor.
City Hall services at the mall, abot- kayang Strike sa Serbisyo para sa mga Bacooreno! Strike as One sa pagbibigay ng maayos at mabilis na serbisyong panpubliko.