Tinanggap ni Mayor Strike B. Revilla at Congresswoman Lani Mercado Revilla ang parangal mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) na iginawad nila DILG Secretary Benhur Abalos , Senator JV Ejercito at mga DILG officers.
Binigyang-pugay rin ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor bilang isa sa 25 na SGLG Awardees mula sa buong Pilipinas at sa pagkamit ng parangal sa loob ng magkakasunod na 6 na taon mula nang inilunsad ang rekognisyon noong 2014. Ito’y isang bagay na tunay na maipagmamalaki ng lahat ng mga BacooreƱo
Ang SGLG ay isang testamento na ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at lahat ng bumubuo nito ay nagpapakita ng natatanging kahusayan at katapatan sa serbisyo’t pamamahala.
Congratulations at mabuhay ang Lungsod ng Bacoor!