Kasabay ng pagdiriwang ng kalayaan ngayong buwan, matagumpay na isinagawa ang “Pre-independence Day Job Fair 2023,” sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, na inorganisa naman ng Bacoor Public Employment Services Office (PESO) sa pamumuno ni Dr. Abraham “Bob” De Castro, na ginanap noong June 9,2023 sa SM Molino.
Isa ito sa trabahong handog na programa ni Mayor Strike B. Revilla na kung saan 48 na mga kompanya ang nakipag-ugnayan upang makatulong sa mga kapwa Bacooreño.
Dinaluhan ang programang ito nina Joseph Ferrosuelo, Mall Manager, Ms. Lyd Ruzzel Abrazado, Assistant Mall Manager, TaskUs Vice President of Operation Ms. Lana Delos Reyes, at Ms. Khei Sanchez, Head of LEDIPO.
Kasama rin sa dumalo ang SSS, PAG-IBIG Fund at Phil-Health para sa mga na direct hired na mga aplikante.
We Strike As One sa mga bagong oportunidad sa mga Bacooreño!
At sabay-sabay na aasenso kaya Yes Tayo!
Dahil sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.