Pinasinayaan noong June 8, 2023, kasama si Congresswoman Lani Mercado-Revilla at Mayor Strike B. Revilla ang bagong covered court na matatagpuan sa Mary Homes Subdivision.
Ito ay pinondohan noong panahon ni Cong. Lani kung saan naman ito ay ipinagpatuloy ni Mayor Strike para sa mga residente ng Mary Homes Subdivision.
Ang seremonyang ito ay inorganisa ng Bacoor City Engineering Office kung saan dinaluhan ito nina Kapitan Jeffrey P. Campaña, mga bumubuo ng Sangguniang Panglungsod, Brgy. Molino 4 Officials, Pastor Sam Baldon, Mary Homes Subdvision Elected Officials with President Atty. Aragones, Aksyon Malasakit Org Inc. 2006, Mary Homes Senior Citizens with Mrs. Potente, Graceland Mom’s, Staff of Mary Homes, SFI, MSI, 96 Band, at kinatawan ng DPWH.
Dahil may kalumaan na
ang court na ginagamit sa Mary Homes, matagal ng hangad ng mga residente ang programang ito. Labis ang pasasalamat ng mamamayan dahil sa pag buo ng mga programang ganito na siguradong mas magpapahusay sa serbisyo ng Bacoor.
Sama-sama at tulong-tulong…. Dahil sa Bacoor, YES TAYO!