Isinagawa noong May 04, 2024 ang pagpupulong sa Barangay Molino 3 para sa HOA Federation Meeting. Ang pagtitipon na ito ay naganap sa Barangay Molino 3 Session Hall at layuning talakayin ang iba’t – ibang mahahalagang usapin patungkol sa komunidad.
Kasama sa pulong ang mga panauhing pandangal na sina Konsehal Alde Pagulayan, Konsehal Obet Advincula, Konsehal Rey Fabian, at ang SK Federation President na si Palm Angel Buncio. Kasama rin sa pulong sina Kap Jun Advincula at ang Konseho ng Barangay Molino 3, kasama ang 39 pangulo na kinatawan ng iba’t – ibang Homeowners Association (HOA) sa barangay.
Ang pangunahing layunin ng pulong ay talakayin ang mga ordinansa ng pamahalaang lungsod. Saklaw ng agenda ang ilang mahahalagang isyu tulad ng kapayapaan at kaayusan, curfew para sa mga kabataan, regulasyon sa pag-inom ng alak, permit para sa negosyo, konstruksyon, pag-aayos at renovasyon, real property tax, road clearing, pamamahala ng basura, at mga stray animals. Ang mga usaping ito ay mahalaga para sa kabutihan at pag-unlad ng Barangay Molino 3.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.