Isang seremonya ang inilunsad ng “National Police Clearance” na idinaos katuwang ang lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla noong May 17, 2023 sa Mainsquare Mall.
Ang pagdiriwang na ito na dinaluhan ng mga espesyal na mga bisita ay inorganisa ng PNP-Bacoor sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ruther D. Saquilayan. Una sa mga dumalo ay ang Director for Investigation and Detective Management, Police Major General Eliseo DC. Cruz, ang bumubuo ng Sangguniang Panglungsod ng Bacoor, Eric D. Ofren, Police Executive Master Sergeant, PESPO Cavite, Ms. Dory Recalde, General Manager of Main Square Mall, Carlito M. Gaces, Police Brigadier General Regional Director, at Christopher F. Olazo, Police Colonel Provincial Director of Cavite.
Layunin ng pagtitipon na ito na mapalapit sa mga pilipino ang serbisyo ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng pagkuha ng Police Clearance na kung saan mayroon na itong “National Database” na pwede ng mapakinabangan kahit ng nga taga ibang bayan o probinsya.
Ito ay bukas mula 10 AM hanggang 5 PM na matatagpuan sa Strike sa Serbisyo Satelite Office, 2nd floor ng Mainsquare Mall, Barangay Bayanan.
As We Strike As One!
Dito sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.