April 15, 2024 – Ipinagdiwang ang masayang at makulay na kaarawan ni Cong. Lani Mercado-Revilla sa ginanap na flag raising sa Strike Gymnasium.
Sinimulan ang programa sa pagbibigay ng pambungad na mensahe ni At Your Service, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, na puno ng pagmamahal at pasasalamat para sa kanyang Ate Lani dahil sa kanyang galing sa larangan ng liderato.
Agad naman itong sinundan ng masayang tugtugan at sayawan mula sa El Gobernador Band. Sa gitna ng kasiyahan, nagkaroon din ng pagkakataon ang iba’t-ibang organisasyon na magbigay ng munting regalo tulad ng mga school supplies, cake, bulaklak, at iba pa.
Ipinakita rin ng mga empleyado, NGOs, at mga bisita ang kanilang galing sa pagsayaw sa isang surprise Dance Flash Mob.
Sa kaligayahan na nadarama ni Cong. Lani, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng pagkanta kasama ang Bacoor Hope Children Chorus.
Nagdulot ng kilig sa lahat ang pagtawag at pagbati ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa kanyang maybahay na si Cong. Lani Mercado-Revilla. Nagpadala rin ng kanilang mga mensahe ng pagbati sina BM Ram Revilla at Cong. Bryan Revilla bilang mga anak ni Cong. Lani.
Sa pagtatapos ng programa, ipinabatid ni Mayor Strike B. Revilla ang kanyang pasasalamat at pagbati sa kanyang Ate Lani.
Maligayang Kaarawan, Cong. Lani Mercado-Revilla!