Pinangunahan ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola ang pagbibigay ng Financial Assistance sa tatlong Centenarian kasama sila Atty. Venus De Castro ng OSCA, Senior Citizen Federation Pres. Nenita Reyes, PSWDO Lynn Escobar at CSWDO Ms. Ara Castillo.
Ang mga centenarian na sila Victoria Fruto ng Barangay Habay 1, Nieves Maaya ng Barangay Maliksi 2, Florentina Gervacio ng Barangay Maliksi 1 ay 100 Years Old na ngayon taon.
Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa tulong na ibinigay sa mga Bacooreñong Centenarian.
Patuloy ang programa ng Lungsod ng Bacoor para sa ating mga senior citizen lalo na sa ating mga centenarian na tunay na maipagmamalaki ng ating mga Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!