Ang ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla ay maglulunsad ng isang kilusan na naglalayong magkaisa ang bawat grupo, kapatiran, at samahan patungo sa maayos, ligtas, at payapang Lungsod ng Bacoor: ang Samahan ng Bacooreñong Repormado – Kaayusan, Kaligtasan, Kapayapaan (SBR-KKK).
Inaanyayahan namin ang lahat ng mga grupo, kapatiran, at samahan dito sa Lungsod ng Bacoor na mag-rehistro at maging bahagi ng SBR-KKK para sa patuloy na pagtutulungan at para sa kinabukasan ng ating mahal na Lungsod.
Ang magiging miyembro ng SBR-KKK ay magiging katuwang ng ating pamahalaang lungsod sa iba’t ibang aktibidad, programa at proyekto na sama-samang pag-uusapan at tulong-tulong na aaksyunan.
Sa mga nais magpa-rehistro, maaari niyo pong i-Viber ang ating
Local Youth Development Office (LYDO) Head –
Ms. Angie Cariaso: 0917-189-9160 (Globe) / 0921-890-0935 (Smart)
Maraming salamat sa inyong walang sawang pagtangkilik at pagsuporta sa lahat ng programa ni Mayor Strike B. Revilla para sa magandang Lungsod ng Bacoor at para sa kinabukasan ng mga Batang Bacooreño!
As We Strike As One, dahil sa Bacoor at home ka dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.