Ang ideya ng programang ito ay mula mismo kay Mayor Strike B. Revilla simula pa lamang sa kanyang unang pagkakahalal bilang alkade na tinutuloy-tuloy ang pagdaraos hanggang ngayon. Ito’y bilang pagkilala at pagmamalasakit sa mga elderly ng lungsod sa kanilang mga kontribusyon sa Bacoor sa matagal nilang paninirahan dito.
Katuwang sa pagoorganisa nito ang City Social Welfare and Development Office, City Councilors, at mga Barangay Officials na siyang nagbibigay-suporta sa aktwal na pagdaraos ng masayang aktibidad. Ikinagalak din ng mga seniors ang pagdalo ng ating butihing alkalde sa Barangay Aniban 1,2,3,4,5, Ligas 1,2,3, San Nicolas 1 at Zapote 4.