Ang partnership effort na ito ay pinangunahan ng Bacoor Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Dr. Abraham Domingo de Castro at ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla.
Kaakibat ng MOA ang pagdaraos ng seminar at capacity enhancement training ukol sa Anti-Illegal Recruitment/Trafficking in Persons (AIR/TIP).
Ang MOA signing ceremony na ginanap kanina sa Strike Gym ay dinaluhan nina Dr. Abraham Doningo de Castro, Department Head ng PESO-OFWHD na nagsilbi ring emcee ng programa; Ms. Guia Oller, President ng BHOACI Federation; Atty. Geraldine C. Mendez, Director II ng POEA Anti-Illegal Recruitment Branch; Congresswoman Lani Mercado Revilla ng Cavite 2nd District; at Mayor Strike B. Revilla. Sila’y nagbigay din ng mensahe, gayundin ang mga katuwang na ahensya ukol sa kampanyang ito at binigyang-diin ang kahalagahan nito para sa bawat mamamayan ng Bacoor.
Kabilang din sa programa ang pagpapalawak sa kapasidad ukol sa salient provisions ng Department of Migrant Workers (DMW) Law in Illegal Recruitment na pinangunahan ni Atty. Kristina Marie Joy B. Andal at ang introduksyon sa Expanded Trafficking in Persons Act of 2022 na tinalakay ni Atty. Geraldine C. Mendez. Inilahad din ni Mr. Antonio Dela Cruz ang modus operandi ng mga illegal recruiters at tinalakay naman ni Ms. Karen Quilao ang APAT-DAPAT campaign.
Patuloy nating paiigtingin ang kampanya upang bigyang proteksyon ang seguridad ng bawat Bacooreñong OFW.