Sa pangunguna ng Office of the Mayor, isinagawa ang Panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Parent and Teacher Advocates (PTA), Junkshop Owners Association, Inc., at Laging Kaakibat Youth Movement Inc., ito’y ginanap noong ika-15 ng Pebrero 2024, Strike Hall.
Ang ating mahal na Mayor Strike B. Revilla, ang pinuno ng lungsod ang
nanguna sa panunumpa at nagpahayag ng suporta sa mga samahan at organisasyong ito. Kasama rin sa mga dumalo ang mga opisyal ng PTA na pinangungunahan ni Mr. Jojo Gamboa, ang pangulo ng samahan, at ang kanyang mga kasamahan sa pamunuan. Naroon din si Mylene Ticalo, ang Pangulo ng Junkshop Owners Association, Inc., at si Mr. Leonard De Leon, ang Pangulo ng Laging Kaakibat Youth Movement Inc. Ang pagkakasumpa ng mga bagong halal na opisyal ay naglalayong magbigay ng katiyakan at dedikasyon sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad.
Sa pamamagitan ng Panunumpa ng mga bagong halal na opisyal, umaasa tayo na mas mapatatag ang mga samahang ito at magiging matagumpay sa kanilang mga layunin at adhikain.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.