Sa tulong ng Housing Urban Development and Resettlement Department (HUDRD), nagkaroon ng isang mahalagang pagtitipon upang maipahayag ang hiling ng Gawaran Heights Homeowners Association kay Mayor Strike B. Revilla. Ang okasyon na ito ay naganap sa opisina ng Mayor noong ika-15 ng Pebrero, 2024.
Kasama din sa pagtitipon sina Atty. Aimee Torrefrangco-Neri, City Administrator at pinuno ng HUDRD, Ligaya Cas ng HUDRD Personnel, Marilou R. Soriano, Pangulo ng New Gawaran Heights, Beverly T. Reyes, Pangulo ng Gawaran Heights Phase 6 HOA, Jerry Pulilan, Pangulo ng Gawaran Heights Phase 7 HOA, at iba pang mga miyembro ng mga nabanggit na homeowners association.
Ang layunin ng pagtitipon ay ipahayag ang hiling ng Gawaran Heights Homeowners Association kay Mayor Strike B. Revilla na maisakatuparan ang Community Mortgage Program (CMP) sa kanilang mga tahanan. Sa tulong ng HUDRD, inaasahang matutulungan ang mga residente na magkaron ng sariling lote sa bahay na kanilang tinitirikan sa pamamagitan ng CMP.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Mayor Strike ang kanyang suporta sa mga residenteng Bacooreño at ang kanyang hangarin na matulungan silang magkaroon ng sariling bahay at lupa na magiging pag-aari nila. Nilalayon ni Mayor Strike na mapanatili ang mga mamamayan sa Bacoor at magbigay ng oportunidad sa kanila upang magkaroon ng disenteng tirahan.
Ang pagtitipong ito ay nagpapakita ng malasakit ni Mayor Strike B. Revilla sa kapakanan ng mga residenteng Bacooreño. Ito rin ay nagpapatunay na ang Lungsod ng Bacoor ay patuloy na nag bibigay ng suporta at oportunidad sa kanilang mga mamamayan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.