January 5, 2024 – Sa isang okasyon na naganap sa Revilla Hall na pinangunahan ng Bacoor Association of Barangay Treasurer ang Panunumpa ng mga dedikadong treasurer ng mga barangay sa Lungsod. Ang okasyon ay inisyatibo ni Mayor Strike B. Revilla, na nagpapahalaga sa kahalagahan ng transparency at accountability sa pamamahala ng mga pinansyal na aspeto ng bawat barangay.
Kasama sa mga dumalo sa event na ito ang mga Barangay Treasurer mula sa 47 barangay ng Bacoor, pati na rin si Konsehala Karen Sarino Evaristo, na nagpakita ng suporta sa kanilang mga kasamahan sa paglilingkod sa publiko. Layunin ng pagtitipon na opisyal na panumpaan ang mga treasurer, upang ipakita ang kanilang dedikasyon sa pagpapatakbo ng maayos at responsable na mga pondo at usaping pinansyal ng kanilang mga barangay.
Sa pamamagitan ng pagtitipong ito, ipinakita ng mga Barangay Treasurer ang kanilang matibay na pangako at integridad sa pagganap ng kanilang mga tungkulin. Nagkaroon din sila ng pagkakataon na magbahagi ng kanilang mga karanasan at magtulungan upang mapabuti ang kalidad ng serbisyo na kanilang ibinibigay sa kanilang mga komunidad.
Sa ating pagtahak sa hinaharap, sama-sama tayong magkakapit-bisig kasama ang mga Barangay Treasurer sa paglilingkod sa ating mga komunidad. Sa ating pagkakaisa, magagawa nating magdala ng tunay na pagbabago at lumikha ng mas magandang kinabukasan para sa Bacoor City.
As We Strike As One Dahil Sa Bacoor At Home Ka Dito
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.