Kung hindi pa, ito na ang pagkakataon mong subukan ang mas mabilis na paraan ng pagbabayad ng REAL PROPERTY TAX.
Paano nga ba magbayad ONLINE?
STEP 1: Gumawa ng User Account sa boss.bacoor.gov.ph.
STEP 2: I-enroll ang iyong mga property o properties (Hiwalay ang enrollment para sa LUPA, BAHAY, at EQUIPMENTS). I-click ang REAL PROPERTY ENROLLMENT sa ilalim ng TRANSACTIONS sa iyong account.
STEP 3: Punan ang kinakailangang impormasyon para sa enrollment, pagkatapos ay i-click ang VERIFY.
STEP 4: Tingnan ang iyong “PROFILE” at I-click ang “REAL PROPERTY. Pagkatapos ay sunod namang I-click ang “BILL” button.
STEP 5: Pindutin ang “PAY CURRENT YEAR” at lagyan ng tsek ang “INCLUDE ADVANCE PAYMENT” (kung nais mong isama ang komputasyon para sa taong 2025). Pagkatapos ay i-click ang “COMPUTE” button.
STEP 6: I-click ang “GENERATE SOA”
STEP 7: Sa iyong screen, i-click ang icon ng “LANDBANK OF THE PHILIPPINES” at i-click ang “PROCEED”
STEP 8: Pumili ng “PAYMENT GATEWAY OPTIONS”: LANDBANK ATM AT DEBIT ACCOUNTS (Dapat na i-enroll ang iyong Landbank ATM sa LANDBANK iAccess bago gamitin ang option na ito) meron ding option for other participating BANCNET member banks.
Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, inaanyayahan po namin ang lahat na agad na magbayad ng inyong Real Property Tax.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pagtitiwala.