Naganap ang isang pagtitipon sa Revilla Hall noong ika-5 ng Enero, 2024, kung saan naganap ang Panunumpa sa Katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng Association of Barangay Treasurer ng Bacoor. Pinangunahan ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla ang seremonya kasama si Konsehala Karen Sarino Evaristo.
Labing-isang halal na opisyal ng Barangay Treasurer ang dumalo sa okasyong ito, na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa kanilang mga barangay. Narito ang ilan sa mga dumalo na opisyal:
– President Anicia C. Dela Cruz ng Mambog 1
– Vice President Arthur B. Castor ng Simbanali
– Secretary Evelyn S. Flores ng Molino 3
– Treasurer Dante A. Mondido ng Molino 4
– Auditor Ma. Crizelda M. Amador ng Habay 1
– PRO Helen B. Meridor ng Habay 2
– Sargent of Arms Ismael C. Adante ng Zapote 1
Kasama rin sa mga opisyal ang mga miyembro ng Board of Directors, sina Marino V. Sampayan ng Molino 7, Manolito L. Mateo ng Maliksi 1, Gina A. Ramirez ng Mambog 3, at Freddie John S. Bernadas ng Dulong Bayan.
Sa pagtatapos ng okasyon, ang mga opisyal ay handang gampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang mga Barangay Treasurer at mga opisyal ng kanilang samahan. Sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon at pagkakaisa, umaasa tayo sa maayos na pamamahala ng pondo at usapin sa pinansyal ng kanilang barangay at samahan. Ang kanilang dedikasyon at integridad ay mahalaga sa pag-unlad ng Bacoor.
As We Strike As One Dahil Sa Bacoor At Home Ka Dito
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.