Sa pagdiriwang ng Ika-125 Taong Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, idinaos ang taon-taong pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng labanan sa tulay ng Zapote ngayong Hunyo 12.
Pinangunahan ito ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla kasama si Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Cong. Lani Mercado-Revilla, Board Member Ram Revilla Bautista, at Sangguniang Panlungsod members.
Dinaluhan din ito ng mga espesyal na panauhin na sina 1st Lieutenant Emmanuel C. Sapinoso, Dr. Babylyn M. Pambid, Ginoong Fernando Carillo, at CALABARZON Regional Director Marites T. Castro.
Isang makasaysayang araw para sa bawat Bacooreño. Maligayang araw ng Kalayaan sa ating lahat!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.