Nagpasiklaban ang 12 koponan ng mga kabataang Bacooreño sa “Mobile Legends: Bang Bang (MLBB), City of Bacoor Sangguniang Kabataan Tournament.” Ito ay pinangunahan ni SK Federation President Mac Raven Espiritu na ginanap sa Strike Gym June 11, 2023.
Ang dalawang nagwagi na grupo ay nakatanggap ng cash prize at kakatawan sa Bacoor sa gaganaping “Inter Town Tournament” sa Trece Martires Gym sa July 18, 2023.
Laking pasasalamat ni SK Pres. Mac Raven sa pagsuporta nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Congresswoman Lani Mercado-Revilla, Congressman Bryan Revilla-Bautista, at sa lahat ng bumubuo sa Sangguniang Panglungsod Members sa nasabing programa.
Kilala ang Bacoor bilang “City of Transformation” kaya naman nakikiisa ito sa paglinang ng teknolohiya kagaya ng MLBB na makatutulong sa mga kabataan upang lumago ang kanilang “problem-solving skills at strategic thinking.” Pinapaalalahanan pa rin ni Mayor Strike na maging disiplinado sa paglalaro at unahin ang pag-aaral.
YES TAYO sa mga proyektong pang-kabataan!
We Strike As One! Dito sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.