Isang napaka siglang flag raising ceremony na naman ang pinangunahan ni Mayor Strike B. Revila kasama ang Sangguniang Panlungsod Members at ng bagong SK President Sk Chairperson Palm Buncio. Ito ang unang Lunes ng Disyembre at huling buwan ng 2023. Isang pangalangin ang pinangunahan ni Pastor Cesar Roxas na sinundan ng isang magandang mensahe na City Councilor Alde Pagulayan.
Ang flag raising ceremony ay pinamunuan ng Office of the Building Official (OBO) kung saan sila ang responsable sa pagpapatupad ng National Building Code of the Philippines. Dahil makabago na ang teknolohiya na ating ginagamit, virtual narin ang ginawang pagbati ni Engr. Joselito Guevarra former National Building Official of the Philippines.
Sa mensahe naman ni Mayor Strike B. Revilla, binigyan diin nito ang sunod-sunod na pagkilala ng Lungsod ng Bacoor dahil sa husay ng mga kawani na patuloy na nagbibigay ng maayos at dekalidad na serbisyo sa mga Bacooreno. Binigyang pansin rin ni Mayor Strike B. Revilla ang naganap na programa ng Department of Education ang “4the GAWAD AGIMAT” na isa sa inabangan ng ating mga mahal na guro. Pinasalamatan rin ni Mayor ang DOLE dahil sa ibinigay nitong pangkabuhayan sa mga piling mga Bacooreno na nais magkaroon ng maliit na negosyo. Ibinida rin ni Mayor ang nakuwang AWARD ng Bacoor Computer Center kung saan nakasungkit ito ng Placer sa naganap na Outstanding Tech4Ed Center2023.
Sa huli ibinalita narin ni Mayor Strike B. Revilla ang pagbabalik ng LIBRENG SINE para sa mga Senior Citizen at Pwd. Hinikayat rin ni mayor ang lahat na makiisa sa Christmas Tree Lighting na gaganap ngayong araw 4pm, December4, 2023.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor At Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.