Nobyembre 30, 2023 (Huwebes) – Nag-organisa ang City Sports Development Unit na pinangungunahan Mr. Sidney Solis katuwang ang TODA mula sa District 1 and 2 na pinangungunahan nina Mr. Buboy Navarrete (Toda President District 1), Mr. Roderick Arciaga (Toda President District 2) ng Mayor Strike B. Revilla TODA Basketball Tournament para sa na ginanap sa Strike Gymnasium.
Ang layunin ng programa na ito ay maibida ang mga Bacooreño na parte sa TODA mula sa District 1 at District 2 sa kanilang galing sa Basketball. Sa pagbubukas ng paligsahan, nagkaroon ng Toda Team Parade na binubuo ng 45 teams mula sa dalawang distrito.
Nagbigay-pugay sa paligsahan sina Konsehal Rey Palabrica, Konsehal Simplicio Dominguez, Konsehal Levy Tela, at si Ms. Khei Javier-Sanchez bilang kinatawan ni Mayor Strike B. Revilla.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.