May surpresa pa na hinanda ang lahat para sa minamahal na mayor, Strike B. Revilla na sobrang ikinagulat at ikinasaya ng butihing mayor.
Maraming masasayang palaro at napakaraming papremyo sa raffle ang natanggap ng masuuswerteng kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.
May Christmas gift packs din mula kay Mayor Strike B. Revilla, na inuwi ang bawat isa.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Human Resources Development and Management Department sa pamumuno ni Ma’am Natividad L. Ople in collaboration sa lahat ng departamento sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.
Tunay ngang Strike as One sa Pagdiriwang ng Pasko sa Lungsod ng Bacoor!