Idinaos ito sa Strike’s Scholars Day kahapon kung saan nagbigay din ng mensahe sina Ms. Lilian Ugalde, City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Head, ang mga City Councilors, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at Mayor Strike B. Revilla. Ipinaalala ng mga opisyal ang kahalagahan ng partnership na ito sa kinabukasan ng bawat kabataan at ng kani-kanilang mga pamilya. Ibinahagi naman ni Ms. Henelyn Lopez Lapisar, Resident Social Worker ng MaMas Hope Haven of Norway Inc. anv ilang mga inisyatibo ukol sa pakikilahok ng mga kabataan at ang kahalagahan nito sa kanilang kabuuang kaunlaran. Sa aktibidad ding ito naganap ang distribusyon ng educational assistance at certificates.
Bukod sa makabuluhang pagkakataong makapag-aral, maagang pamaskong handog din ng buong pamahalaang lungsod ng Bacoor ang masasayang palaro, raffe draws, at band performances kung saan nakisayaw at nakikanta ang ating butihing Mayor.