Isa ang BFP Bacoor sa 86 na nakakuha ng isang bagong unit na ambulansiya mula sa Bureau of Fire Protection.
Ang BFP Bacoor ay ang kaisa-isang LGU sa buong lalawigan ng Cavite na nabigyan ng bagong ambulansiya.
Ang turnover ay ginanap kanina sa BFP National Headquarters, ito ay tinanggap ni BFP Bacoor Chief CINSP Alma Cassandra Gardose at Councilor Alex Gutierrez na kumatawan kay Mayor Strike B. Revilla.