Nasa 40 City Information Staff at iba pang City Government of Bacoor Employees mula sa ilang departamento ang nagtapos kahapon sa seminar.
Naging mas espesyal ang closing ceremonies ng seminar sa pagdalo ni Councilor Bok Nolasco na kumatawan kay Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola at ni Congresswoman Lani Mercado Revilla.
Ayon sa mga participants, very fruitful at tunay na “empowering” ang isinagawang seminar workshop at babaunin nila ito para mapabuti pa ang pagiging mas epektibong “communicators” ng Lungsod ng Bacoor.
Ang “Empowerment Equals Efficiency” ay first of its kind sa bansa, na isang partnership ng Philippine Information Agency , kasama ang Bureau of Communications Serrvices at ng City Government of Bacoor sa inisiyatibo ng City Information Office sa pamumuno ni Gel Garciano.
Nagpasalamat ang mga nagsipagtapos kay Mayor Strike B. Revilla sa suporta at pagbibigay ng oportunidad na maiangat pa ang kanilang kakayahan sa pagiging information officers.
Congratulations sa lahat ng participants na nagtapos sa seminar/workshop na ito.