Noong March 15, 2024 pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang unang BasketBall Training & Workouts kasama ang sikat na Legendary Coach na si Arturo Valenzona at ang Skills Development Trainor na si Coach Alcon Galermo.
Dito ipinakita ng ating mga Caoch at Trainor kung paano maipapakita ng mga kabataang mahilig sa BasketBall ang kanilang matatagong galing sa paglalaro ng BasketBall. Hindi lang teknik sa paglalaro ng Basketball ang natutunan ng mga Batang Bacooreño dahil pati ang pagdidisiplina sa sarili ay ibinahagi rin ng mga Coach at trainor.
Malaki rin ang partipasyon ng Sport Unit sa pangunguna ni Sir. Sidney Solis at ni Kagawad Coach Marlon Corpin dahil isa ito sa kanilang programa para makatulong sa mga Batang Bacooreño na mahilig sa BasketBall. Tinatayang aabot sa tatlong daan ang nakiisa sa training.
Sa mensahe naman ni Mayor Strike B. Revilla ipinaliwanag nito ang kahalagahan ng sport sa mga kabataan at mas palalawigin pa ito para maging sport lover ang mga Batang Bacooreño. Isa rin sa ibinahagi ni Mayor Strike ang mga ordinansang ipinapatupad sa Lungsod ng Bacoor, isa nanga rito ang CURFEW at LIQUIAR Band na patuloy na ipinapatuoad sa Lungsod.
Sa ngayon mas pinaghahandaan ng sport unit ang pag ikot nga ALCON BasketBall Training & Workouts lalo na sa paparating ng summer ngayong taon.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.