Bilang bahagi ng Birthday Celebration ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla ngayong buwan ng Abril, siya ay nagsagawa ng isang Medical Mission kung saan mahigit limang daang Bacooreño ang nabigyan ng libreng consultation, libreng dental check-up, libreng salamin, at libreng gamot noong April 11, 2023, sa Barangay Talaba 7 Covered Court.
Dagdag pa rito ay nagkaroon din ng free laboratories, free massage, at free haircut para sa ating mga kapwa Bacooreño.
Ang inisyatibong ito ay pinangasiwaan ng 70 medical staff na naging posible sa tulong ni Mr. Gil Quiling ng Jesus Christian Family Care Group at Volunteer Student Nurses mula sa St. Augustine School of Nursing – Las Piñas.
Dinaluhan naman ito ng Ina ng Lungsod na si Cong. Lani Mercado-Revilla at ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.