Tunay na mahalaga sa Ina ng Lungsod Cong. Lani M. Revilla ang pag-aalaga at matiyak na maayos ang kalusugan ng mga Bacooreño. Kaya naman isinagawa noong April 12, 2023 sa Revilla Hall ang Blood Letting Activity na tumagal na walong oras.

Ang proyektong Dugong Alay, Dugtong Buhay ay bahagi sa selebrasyon sa kaarawan ni Cong. Lani M. Revilla.

Naging katuwang ng samahan ng Dugong Alay, Dugtong Buhay Inc, ang Makati Medical Center at Las Piñas General Hospital & Satellite Trauma Center na laging kasama sa pagbibigay rin ng serbisyo sa ating mga kababayang Pilipino.

Ang donasyon na dugo ay itutulong rin sa ating mga kababayang nangangailangan lalo na sa mga pasyenteng nais madugtungan ang buhay.

Saludo po kami sa mga kababayan nating nag-donate ng DUGO para sa mga taong nangangailangan nito!

Please like and follow our official social media accounts:

FB: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor/
Tiktok: https://www.tiktok.com/@citygovtbacoor
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Youtube: https://www.youtube.com/@citygovtbacoor
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…

Maraming salamat po.

#CityGovtOfBacoor
#StrikeSaSerbisyo
#StrikeAsOne
#SaBacoorAtHomeKaDito